Himagsik Laban sa Maling Pamamalakad ng Pamahalaan Ang himagsik na ito ay isa sa mga pinaka-importanteng himagsik ni Balagtas dahil ito ang pinaka-una sa lahat. Ginawa niya ito dahil sa kalupitan ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ilan sa mga kastila ay inaabuso ang kanilang kapangyarihan para makuha nila ang kanilang mga gusto. Inilarawan ni Balagtas ang himagsik na ito sa pamamagitan ng pagsulat ng Florante at Laura. Sa kwentong ito inilalarawan ang pagkamakapangyarihan ng mga lider ng isang bansa. Ang karakter ni Haring Linseo ay isa sa mga halimbawa ng pagiging makapangyarihan ng isang lider. Isinisimbolo ang kaharian ng Albanya ang mismong bansa nating Pilipinas. Ito ay pinapamahalaan ng isang makapangyarihang hari na magagawa ang kanyang gusto. Ilan sa mga halimbawa ng himagsik na ito ay: Saknong 16 Ngunit, ay ang lilo't masasamang loob, sa trono ng puri ay iniluluklok at sa balang sukab na may asal-hayop maban...
Himagsik Laban sa Maling Pamamalakad ng Pamahalaan ni Francisco Balagtas